^

Metro

4 paslit nanunog ng FX sa Camp Aguinaldo

-
Nabulabog ang mga military police sa loob ng Camp Aguinaldo makaraang aksidenteng masunog ng apat na paslit ang isang nakaparadang Tamaraw FX sa pagitan ng Concessionaire at Military Police Batallion Headquarters sa loob ng naturang kampo sa Quezon City, kahapon.

Sa pag-aakalang pinasok na sila ng mga terorista ay dali-daling nagresponde ang mga nakatalagang sundalo sa pagkalat ng apoy na mabilis na tumupok sa naturang sasakyan, pero nabuhayan ng loob ng malamang kagagawan lamang ito ng mga nagsisipaglarong mga bata na nakatira sa loob ng naturang kampo.

Ang mga paslit na nakasunog ng FX ay itinago sa mga pangalang Mike, 7, at kapatid na Jessie, 6; Anthony, 5 at kapatid na Richie, 2, pawang mga anak ng dalawang sundalo na nakatalaga sa General Headquarters Band.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga kung saan naglalaro ang mga bata. Madalas umanong nakikitang naglalaro sa nasabing lugar ang mga paslit at likas umano ang kalikutan.

Bukod sa karate-karatehan at espada-espadahan ay mahilig din manood ng cartoon characters ang mga ito.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang aksidenteng panununog ay nakita ang apat na bata na naglalaro sa loob ng nakaparadang sirang Tamaraw FX na may plakang PWF-394 na pag-aari ng namayapang si Capt. Elias Abdullah, dating nakatalaga sa Headquarters Support Command.

Ang nasabing behikulo ay nasira sa isang vehicular accident sa national road, Bgy. Kamias, San Miguel, Bulacan noong Setyembre 1999.

Nakita umano ni Michael si Abrid na may hawak na posporo at nasa bubungan ng FX at may sinindihan malapit sa aircon, habang ang tatlo pang kalaro nito ay nasa loob.

Isa pang bata na kinilalang si Ranger Dayag, anak ng isa ring sundalo, ang nakakita sa nasusunog na sasakyan at siyang sumigaw sa mga bata na lumabas sa FX.

Pinagtulungan ng mga tauhan ng Camp Aguinaldo fire station ang pagpatay sa sunog pero hindi rin ito naagapan. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP AGUINALDO

ELIAS ABDULLAH

GENERAL HEADQUARTERS BAND

HEADQUARTERS SUPPORT COMMAND

JOY CANTOS

MILITARY POLICE BATALLION HEADQUARTERS

QUEZON CITY

RANGER DAYAG

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with