^

Metro

Katulong dinukot, pinag-shabu bago pinilahan ng 5 adik

-
Isang 15-anyos na katulong ang dinukot at pinag-shabu bago halinhinang hinalay ng limang kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Naka-piring pa ang mga mata ng ibalik sa lugar na pinagkunan sa kanya ang biktimang itinago sa pangalang Jenny, maid sa #62 Scout Delgado st., Quezon City.

Nabatid sa dalaga na dakong alas-9 ng gabi habang naglalakad siya pabalik na sa bahay ng kanyang amo ng maramdamang may sumusunod sa kanyang isang owner-type jeep na lulan ang limang suspek.

Bago pa siya nakatakbo ay agad siyang dinakma ng mga suspek at mabilis na piniringan ang mga mata at dinala sa hindi nabatid na lugar.

Isa sa mga suspek ang naghubad ng kanyang damit at saka siya pinag-shabu. Ilang sandali pa ay halinhinan na siyang pinagsamantalahan.

Nang makatapos ang mga suspek ay muli siyang isinakay ng jeep at ibinaba sa lugar na pinagdukutan sa kanya na nakapiring pa rin ang mga mata.

Dumiretso agad ang biktima sa pulisya at isang follow-up operation na ang isinagawa laban sa limang rapist. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

DUMIRETSO

ILANG

ISA

ISANG

NABATID

QUEZON CITY

SCOUT DELGADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with