^

Metro

Nag-amok na adik todas sa 2 pulis

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang pulis-Maynila ang isang drug addict na umano’y nag-amok kahapon sa Tondo.

Kinilala ng Western Police District-Homicide Division ang biktima na si Aguido Soriaga, 46, residente ng 2947 Clemente st., nasabing lugar. Namatay ito habang ginagamot sa Tondo General Hospital.

Nabatid na nagtamo rin ng tama ng bala sa kaliwang paa si PO1 Antonio Cruz makaraang aksidenteng mabaril ito ng kanyang kasamahan na si PO1 Benjamin Medina Jr. Ang dalawa ay kapwa nakatalaga sa Gagalangin community police station.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lincong, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente makaraang sumpungin umano si Soriaga ng pagkakalulong sa droga at bigla na lamang itong nagwala.

Ayon sa mga residente, nang-hostage pa umano ang suspek at pinakawalan lamang nito ang hostage nang malaman na may tumawag na ng pulis.

Ngunit nang makita umano ng suspek ang dalawang nagrespondeng pulis ay ito naman ang agad na sinugod.

Sinasabing nagbigay ng warning shot ang dalawang pulis ngunit tila walang narinig ang suspek at patuloy pa rin nitong inatake si PO1 Cruz kung kaya’t napilitan naman si PO1 Medina na barilin ito.

Samantala, ang dalawang pulis naman ay agad na sumuko sa kanilang superior at nakahandang panagutan ang insidenteng nagawa. (Ulat ni Grace Amargo)

AGUIDO SORIAGA

ANTONIO CRUZ

AYON

BENJAMIN MEDINA JR. ANG

CRUZ

GAGALANGIN

GRACE AMARGO

RODELIO LINCONG

TONDO GENERAL HOSPITAL

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with