^

Metro

Tone-toneladang karne ng baka nasabat

-
Labinlima pang kargamento galing sa tatlong bansang Europa na naglalaman ng karne ng baka na pinagsususpetsahang nakontamina ng "mad cow disease" na pumasok sa Manila ports ang nakumpiska ng Bureau of Customs, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Customs Commissioner Titus Villanueva na ang kanilang nasabat na kalakal ay nakalagay sa sampung 20-footer at limang 40-footer container vans.

Nadiskubre na ang nilalaman ng container van ay mga frozen meat, bone meat at boneless meat at forequarter.

Ayon pa kay Villanueva, sa naturang shipments,10 rito ay mula sa bansang Ireland at ipinadala sa Pilipinas ng Superior Stock Farms. Ang isang 40-footer van ay galing naman sa Pacific Meat mula sa Holland habang ang tatlong 40-footer van ay galing sa Schitze International at ang isa pang 40-footer na galing din sa Alemanya ay ipinadala sa Pecanova Inc.

Sinabi ni Villanueva na ang pagkakadiskubre sa naturang kargamento ay makaraang ilang importers ang nagtangkang maglabas sa Manila International Container Port (MICP) para sa kanilang buyer sa ilang parte ng Metro Manila.

Ang naturang kargamento ay nananatili sa naturang lugar noong nakaraang ilang buwan simula nang dumating galing sa tatlong bansang Europa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER TITUS VILLANUEVA

ELLEN FERNANDO

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

METRO MANILA

PACIFIC MEAT

PECANOVA INC

SCHITZE INTERNATIONAL

SINABI

SUPERIOR STOCK FARMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with