^

Metro

Pamangkin ni Edu , 3 pa tiklo sa ecstacy tablet

-
Apat na anak mayaman kabilang ang umano’y pamangkin ng aktor at Makati Vice Mayor Edu Manzano ang inaresto matapos umanong makumpiskahan ang mga ito ng 20 piraso ng "ecstacy" habang nagkakape sa Starbucks coffee shop sa Rizal Drive, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Angela Jose, 32, dalaga, ng Ponte Salcedo Condominium, Salcedo Village, Makati; Andre Manzano-Navarro, 21, binata, ng United Parañaque Subd., Parañaque City at pamangkin umano ni Edu; Edwin Prado, 35, may asawa, ng Park subd., Las Piñas City at Aurora Rocha, ng Forbes Park, Makati.

Sa report ni Sr. Insp. Cesar Santiago Garcia, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Makati police, alas-5:45 kamakalawa ng hapon ng magsagawa ng anti-drug operation ang DEU sa Starbucks coffee shop matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot umano sa bentahan ng naturang droga ang mga suspek.

Nakipagtransaksiyon ang isang babae na nagsilbing asset ng mga pulis at nagpanggap na buyer sa mga suspek para makabili ng ecstacy drug sa pamamagitan ng marked money na nagkakahalaga ng P5,000.

Nang aktuwal ng mag-aabutan ng pera ay biglang sumulpot ang mga pulis at inaresto ang mga suspek.

Samantala, iginiit naman ng pamangkin ni Edu na "frame-up" ang pagkakasabit niya sa kaso at ikinatwirang may bahid pulitika umano ang ginawang pagdakip sa kanya dahil ang kanyang tiyuhin ay tatakbong mayor ng Makati City kung saan makakalaban nito si dating MMDA chairman Jejomar Binay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANDRE MANZANO-NAVARRO

ANGELA JOSE

AURORA ROCHA

CESAR SANTIAGO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EDU

EDWIN PRADO

FORBES PARK

MAKATI

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with