Ang certificate of nomination na ipinalabas kahapon ay nilagdaan nina Vice President Teofisto Guingona Jr., pangulo ng partido at Rep. Heherson Alvarez, secretary-general ng partido.
Ibinigay din ng partido kay Belmonte ang full authority na magtalaga ng opisyal na kandidato sa QC tulad ng apat na congressman, 24 councilors at isang vice-mayor.
Ayon kay Belmonte, pumayag na si Vice Mayor Angeles na maging running mate niya samantalang si Herbert Bautista naman umano ang kanyang magiging campaign manager.
Nauna sa nominasyon ng partido ni Belmonte ay inindorso din ito ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco na maging opisyal nilang kandidato sa QC mayoralty race.
Ang nasabing sertipikasyon ay nilagdaan nina Frisco San Juan, NPC president at Isabela Rep. Faustino Dy, NPC secretary general.
Si Belmonte ay naging manager ng House prosecution team noong panahon ng impeachment trial laban sa dating Pangulong Estrada.
Naging police reporter din ito bago pumasok sa private sector at tatlong beses naging congressman ng QC.
Nagsilbi rin si Belmonte bilang pangulo at general manager ng GSIS, president at CEO ng Philippine Airlines, president ng Manila Hotel, naging chairman ng Reinsurance Corp. of the Philippines at director ng San Miguel Corp at PLDT. (Ulat ni Malou Rongalerios)