Sahod ng teachers ATM na!
February 27, 2001 | 12:00am
Upang umanoy maiwasan ang laganap na katiwalian sa pagpapasahod sa higit 500,000 guro sa buong bansa, ipatutupad ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang sistema ng pagpapasahod sa banko sa pamamagitan ng automated teller machines (ATM).
Matapos ang pakikipagpulong sa 40 kinatawan ng ibat ibang banko kahapon, sinabi ni Secretary Raul Roco ang intensyong pagpapatupad ng "check-less payroll system" sa ahensya.
Sa paraang ito umano mai-exorcise ng DECS ang naiulat na "ghost employees" at mga pekeng guro na dahilan ng pagkawala ng milyun-milyong pasahod ng ahensya. Nabatid na naglalabas ang DECS ng P75 bilyong pondo kada taon para lamang sa mga pagpapasahod.
Sinabi rin ni Roco na sa sistemang ito, hindi na makukupitan o madodoktor ang mga sahod na dating nasa sistema ng pay check dahil sa pagpapasa-pasa rito mula sa Central Office patungo sa mga dibisyon.
Sa sistema ring ito, hahayaan ni Roco ang mga paaralan na pumili ng sarili nilang banko na pagkukuhaan nila ng suweldo upang hindi siya maakusahan na may pinapaboran o may espesyal na transaksyon.
Kinakailangan din umano na mapag-aralan pang mabuti ng mga guro ang kahalagahan ng pasuweldo sa banko matapos na marinig ang ilang pagkontra ng ilang grupo na ayaw pumila sa mahahabang hanay sa ATM tuwing suweldo.
Magiging pilot area ng bagong sistema bago ito ipatupad ang Metro Manila, partikular ang Quirino High School sa Quezon City at ang Camarines Sur na probinsya ng kalihim. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended