^

Metro

Nagreklamo sa singil sa pinagawang radyo, tinodas

-
Kesa magbayad ng mahal sa pagpapagawa ng kanyang radio cassette, mas pinili ng isang lalaki na bayaran ito ng kanyang buhay matapos itong saksakin at mapatay ng isang technician, kamakalawa ng gabi sa Malabon.

Hindi na umabot ng buhay sa MCU Hospital ang biktimang si Ruben Santos, 42, binata, factory worker at residente ng #56 Lanzones Road, bunga ng isang saksak sa dibdib.

Arestado naman ang suspek na si Felicisimo Vase, 38, may asawa at nakatira sa #16 Anonas Road, Malabon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ferdinand Espiritu, base sa pahayag ng kaanak ng biktima alas-6 ng gabi ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek para tubusin ang ipinakumpuni nitong radio cassette.

Bagamat nagawa naman ng suspek ang nasabing radyo ay sinisingil nito ang biktima ng malaking halaga dahilan sa marami umano siyang piyesang binili at ipinalit dito.

Hindi umano nagustuhan ng biktima ang halagang hinihingi ng suspek dahilan para magalit ito at ihagis sa mukha ng huli ang ipinagawang radyo.

Ito ang nagtulak sa suspek para kumuha ng patalim at sunggaban ng saksak ang biktima.

"Kagigising ko lang ng mga oras na ‘yon nagalit siya dahil mahal daw ang singil ko, sinabi ko naman sa kanya na kung ayaw niya magbayad ay kukunin ko na lang ang mga piyesang ipinalit ko sa radyo, tapos binato na niya ako," paliwanag ng suspek. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANONAS ROAD

ARESTADO

BAGAMAT

FELICISIMO VASE

FERDINAND ESPIRITU

GEMMA AMARGO

LANZONES ROAD

MALABON

RUBEN SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with