Empleyada inativan, ginahasa ng 2 kasamahang lalaki
February 24, 2001 | 12:00am
Pinalagok muna ng alak na nilagyan ng ativan at nilasing bago halinhinang pinagsamantalahan ang isang empleyada ng dalawa niyang kasamahang lalaki, sa Makati City.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Ellen, 21, guest relation coordinator ng Quadrillo Coordinator Co. na matatagpuan sa Antel 2000 building Valero st., Salcedo Village at nakatira sa Palawan st., Sampaloc, Maynila.
Isang follow-up operation na ang tumutugis sa mga suspek na nakilalang sina Joseph Mamo Macainag, 28, at Hermie Torres, kapwa kawani ng nabanggit na kumpanya.
Sa reklamo ng biktima kay PO1 Celia Domingo, naganap ang insidente mula alas-12:30 ng tanghali hanggang alas-6 ng hapon sa nabanggit na tanggapan noong Pebrero 17.
Nabatid na barkada umano ng biktima sina Macainag at Torres kaya ng yayain itong mag-inuman ay nagpaunlak ang dalaga.
Nilasing muna ng alak na hinihinalang nilagyan ng ativan ang biktima at ng lango na ay dinala sa isang bakanteng kuwarto sa loob ng nabanggit na gusali at doon halinhinang ginahasa.
Nang bumalik sa katinuan ng pag-iisip ay dito nito nadiskubre na ginahasa siya ng dalawa kaya agad nagtungo sa pulisya at nagharap ng reklamong rape laban sa dalawang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended