Estudyanteng anak ng ex-militar ni-rape/slay ng 3 adik
February 24, 2001 | 12:00am
Isang 15-anyos na high school student na anak ng isang retiradong Army colonel ang ginahasa bago pinatay ng tatlong lalaki na umanoy sabog sa droga, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Duguan at nakasuot pa ng school uniform ng matagpuan sa bakanteng lote ang biktimang si Rachel Mamaril, mag-aaral ng Camarin High School at nakatira sa Blk 10-A Lot 3 Avocado st., Cristina Homes, Camarin nabanggit na lungsod.
Laslas ang leeg ng biktima, tadtad ng saksak ang katawan at mayroon bahid ng dugo sa kanyang ari.
Isa sa mga suspek ang agad nadakip na nakilalang si Leo Lloyd Dizon, 19, binata, caretaker at residente ng Blk 5-D Lot 13 Cristina Homes. Pinaghahanap na ang dalawa pang nakilala lamang sa mga alyas Tabor at Ruel.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime operatives sa pamumuno ni Sr. Insp. Arnel Cariaga, dakong alas-5:30 ng madaling araw ng matagpuan ng isang Jarlito Gutillon ang bangkay sa isang damuhan malapit sa Camachile st.
Posible umanong dinala muna sa bahay na binabantayan ni Dizon ang dalagita dahil na rin sa narekober na bedsheet at karton ng sigarilyo sa lugar ng krimen at ang gate ng bahay na hindi kalayuan ay mayroon ding bahid ng dugo.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang bahay na binabantayan ni Dizon hanggang sa positibo itong ituro ng isa niyang kasama sa trabaho.
Napag-alaman na wala ang ama ng biktima na si retired Col. Mamaril na dating nakatalaga sa Philippine Army dahil nagtungo ito sa sunog na naganap sa PICC.
Natagpuan naman may 20 metro ang layo mula sa biktima ang mga gamit nito tulad ng bag at mga libro. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended