^

Metro

Preso, jailguard naaktuhang naggu-goodtime sa club

-
Isang police jail guard ang nanganganib na masibak sa tungkulin matapos na maaktuhang nakikipag-inuman sa loob ng isang bahay-aliwan kasama ang isang bilanggo na kanyang inilabas sa kulungan, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Inaresto ng mga kagawad ng Manila City Hall Detachment-Special Operations Group na nasa ilalim ng Western Police District-Station 5 ang naturang jailguard na si JO1 Jerry Manansala, nakatalaga sa Pampanga Provincial Jail at presong si Melchor Ong, 45, ng Block 22 Lot 9, Bagong Silang, Caloocan City.

Si Ong na may kasong drug pushing at walang inirekomendang piyansa ng piskalya doon ay sinasabing binibigyan ng VIP treatment ng nasabing jail officer sa pamamagitan ng madalas na paggu-goodtime sa mga nightclubs at KTV.

Sumasailalim naman sa imbestigasyon si Manansala dahil sa posibilidad na sangkot ito sa sindikato sa droga ni Ong.

Sa report ni Supt. Napoleon Taas kay WPD Director Avelino Razon, Jr., nakakumpiska pa umano ng tig-isang sachet ng shabu sa dalawang nabanggit na suspek.

Ayon kay Taas, sina JO1 Manansala at Ong ay naaktuhan ng kanyang mga tauhan na nag-iinuman sa loob ng Rendezvouz KTV club na nasa Padre Faura st., Ermita dakong alas-12:45 ng madaling-araw.

Nauna rito, isang intelligence report ang natanggap ng nasabing himpilan ng pulisya na luluwas umano si Ong sa Maynila para lamang ‘magpasarap’ kasama ang naturang jail officer mula sa nasabing kulungan sa lalawigan.

Kasalukuyang inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Manansala habang si Ong ay nakalaang iturn-over at ibalik ng mga pulis-Maynila sa nasabing piitan. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DIRECTOR AVELINO RAZON

ELLEN FERNANDO

JERRY MANANSALA

MANANSALA

MANILA CITY HALL DETACHMENT-SPECIAL OPERATIONS GROUP

MAYNILA

MELCHOR ONG

NAPOLEON TAAS

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with