^

Metro

US Embassy tinangkang pasabugin

-
Nagpanakbuhan ang mga kawani at daang aplikante na kumukuha ng US Visa sa US Embassy matapos na tangkang pasabugin ng tatlong lalaki ang naturang embahada sa pamamagitan ng planong pagpasok ng 50 kilong "uranium", isang sangkap sa paggawa ng ‘nuclear bomb’ kahapon ng umaga sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga kagawad ng Western Police District-Explosive and Ordnance Division at Station 5, nadakip ang tatlong suspek na nakilalang sina Gerlie Nogas, ng Amparo Subd., Lagro, Quezon City; Felix Nuarin, ng 41 Sta. Maria st., Bgy. Holy Spirit, Quezon City at Loreto Dagablo ng Amparo, Lagro, Quezon City.

Sa isinagawang imbestigasyon, bandang alas-11:30 ng umaga nang madiskubre ang nasabing kemikal sa loob ng nakaparadang kulay pulang Carter van na may plakang PTV-561 sa gilid ng naturang gusali.

Nauna rito, dumaan sa may gate ng embahada ang naturang sasakyan at sinabi sa mga security personnels na ide-deliver ang uranium sa isang Ruben Carandang na empleyado sa loob ng US Embassy kung saan ibibigay naman umano ng huli sa isang US Consul na nakabase sa Maynila.

Nagduda ang mga guwardiya at agad na humingi ng responde sa WPD-EOD at dito napatunayan na ang nasabing kemikal sa loob ng kahon na may sukat na 14 x 12 at control numbers U235007USA ay positibong ginagamit na sangkap sa paggawa ng malakas na bomba. Pinatunayan din ng mga local chemist na positibong ginagamit sa paggawa ng nuclear bomb ang nasabing sangkap.

Sa panig ng mga suspek, pinabulaanan nila na tangka nilang pasabugin ang US Embassy at ibibenta lamang sa isa nilang contact sa loob ng embahada ang nasabing sangkap matapos na mahukay umano nila sa isang lugar sa Cagayan de Oro na pinaniniwalaang naiwan ng mga sundalong Amerikano noong nakaraang digmaan.

Nabatid na isinakay umano ng mga suspek sa isang barge ang naturang component ng bomba upang madala ng mga ito sa isang Pantranco bus patungong Maynila.

Base sa report, noong nakalipas pang Enero, dumating sa Maynila ang nasabing sangkap at kahapon lamang nila ito idineliber sa US Embassy matapos ang nasabing transaksyon sa kanilang kontak sa loob. (Ulat ni Ellen Fernando)

AMPARO SUBD

ELLEN FERNANDO

FELIX NUARIN

GERLIE NOGAS

HOLY SPIRIT

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with