^

Metro

Nangangampanyang mga lokal na opisyal na di pa nagpa-file ng COC, kakasuhan

-
Maaaring kasuhan o hindi na makatakbo pa sa local elections ang mga local officials at iba pang indibidwal na hindi pa nakakapag-file ng kanilang certificate of candidacy pero nangangampanya na.

Ayon kay Atty. Jovencio Balinguit ng Comelec Quezon City, ang mga local officials ay sa Pebrero 28 ang filing ng COC at sa Marso 30 ang panahon ng pangangampanya.

"Kung meron kayong nakikitang ganyan, maaari ninyong ipaalam dito sa amin," ani Balinguit.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Balinguit na yung mga local officials naman na naglalagay ng mga pagbati tulad ng "Happy Valentine’s", at maglalagay ng "Happy Graduation" sa Marso ay walang katapat na kaparusahan at walang paglabag sa Comelec.

Gayunman, kung ang kanilang pagbati sa mga poster at streamer ay may kasamang iboto ang politiko at hindi pa naman siya nagpa-file ng COC, siya ay maaaring ma-disqualify sa pagtakbo sa local elections.

Bukod umano sa disqualification, may kaukulang multa ring pinapataw ang Comelec.

Doon naman umano sa mga senador na nagpaskil na ng kanilang mga poster, bagamat may nakita silang illegal posters, hindi nila mapaparusahan ang mga ito dahil hindi nila ito nakitang naglagay ng posters.

Pinapayagan lamang umano ng Comelec ang paglalagay ng mga posters ng mga kandidato sa lahat ng common places tulad ng mga palengke. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BALINGUIT

COMELEC

COMELEC QUEZON CITY

HAPPY GRADUATION

HAPPY VALENTINE

JOVENCIO BALINGUIT

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with