Lola nanggulpi ng rapist na lolo
February 20, 2001 | 12:00am
Hindi nakaporma ang isang lolo nang pagtatadyakan siyat pagsusuntukin ng isang lola na tinangka niyang gahasain, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Walang nagawa ang suspek na di nakilala pero tinantiya ang edad sa 60, matapos itong mabigong makuha ang gusto sa biktimang itinago sa pangalang Lola Mary, 56, biyuda, project manager at residente ng Don Benito Hernandez st., nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Sopquina ng Criminal Investigation Division (CID), naganap ang insidente dakong1:50 ng madaling-araw habang natutulog ang biktima sa bahay nito.
Hindi umano nito namalayan ang pagpasok ng suspek sa kanyang kuwarto at nagising lamang ito ng maramdaman na may humihipo sa maselang bahagin ng kanyang katawan.
Naging alerto si lola at nagmistulang si Darna na nagsisigaw habang pinagtatadyakan at pinagsusuntok si lolo.
Dahil sa kalabog at ingay na nilikha ay nagising ang mga kapitbahay kaya sinaklolohan ng mga residente ang nagsisigaw na biktima.
Nataranta naman ang suspek at tumakas pero hinabol ito ng taumbayan, gayunman nabigong masakote. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended