Ito ang nabatid kay Chief Supt. Virtus Gil, Class President ng PMA Class 71 sa pagdalo nito sa PMA Alumni Homecoming.
Ayon kay Gil, maliban kay Honasan at Lacson ay susuportahan rin nila si dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan na adopted ng kanilang klase. "Ang Class 71 pa, solid kami sa likod nila", pahayag ni Gil, kasalukuyang hepe ng PNP Crime Laboratory Services.
Sina Lacson at Honasan, pawang mga followers ni dating Pangulong Joseph Estrada ay regular na kasapi ng PMA Class 71 samantalang si Pagdanganan ay honorary member.
Sina Lacson at Pagdanganan ay tumatakbong kandidato sa pagka-Senador sa magkaibang partido pulitikal-Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) at Edsa Force na siyang nagpatalsik kay Estrada sa posisyon. Si Honasan naman ay tumakbong Independent. (Ulat ni Joy Cantos)