^

Metro

Honasan at Lacson suportado ng PMA Class '71

-
FORT DEL PILAR, Baguio City – Susuportahan ng mga nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’71 ang pagtakbo sa Senado ng kanilang mga mistah na sina dating Philippine National Police Chief Director General Panfilo Lacson at ng re-electionist na si Senador Gregorio Honasan.

Ito ang nabatid kay Chief Supt. Virtus Gil, Class President ng PMA Class ’71 sa pagdalo nito sa PMA Alumni Homecoming.

Ayon kay Gil, maliban kay Honasan at Lacson ay susuportahan rin nila si dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan na adopted ng kanilang klase. "Ang Class ’71 pa, solid kami sa likod nila", pahayag ni Gil, kasalukuyang hepe ng PNP Crime Laboratory Services.

Sina Lacson at Honasan, pawang mga followers ni dating Pangulong Joseph Estrada ay regular na kasapi ng PMA Class ’71 samantalang si Pagdanganan ay honorary member.

Sina Lacson at Pagdanganan ay tumatakbong kandidato sa pagka-Senador sa magkaibang partido pulitikal-Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) at Edsa Force na siyang nagpatalsik kay Estrada sa posisyon. Si Honasan naman ay tumakbong Independent. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALUMNI HOMECOMING

ANG CLASS

BAGUIO CITY

BULACAN GOVERNOR ROBERTO PAGDANGANAN

CHIEF SUPT

CLASS PRESIDENT

CRIME LABORATORY SERVICES

DEMOKRATIKONG PILIPINO

EDSA FORCE

GIL

SINA LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with