Ina, 6 taong inasawa ng adik na anak
February 18, 2001 | 12:00am
Sukdulan na ang naging epekto ng droga sa utak ng isang adik na anak at maging ang sarili nitong ina ay kanyang nilapastangan at ginahasa sa loob ng anim na taon.
Kinilala ang suspek na si Darwin Pasikting, 40, may asawa, walang trabaho, isang kilalang adik at residente ng Bo. Mulawi, Malibay, Pasay City.
Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Maria, 62, taong 1994 nang simulan siyang halayin ng anak sa tuwing sabog ito sa ipinagbabawal na gamot.
Nagulat na lamang umano siya isang gabi ng gapangin ng anak at gahasain habang tinututukan ng patalim.
Nabatid na nakapisan ang biktima sa bahay ng ina kahit may pamilya na ito.
Sa loob ng anim na taon ay hindi umano siya nagkalakas-loob na magsumbong dahil sa banta ng anak na papatayin kapag may nakaalam ng ginagawa nito at dahil na rin sa kahihiyan.
Hindi rin umano makaalis ng bahay ang biktima dahil laging nakabantay ang suspek.
Kamakalawa ng gabi ay tiniyempuhan ng biktima ang pag-alis ng bahay ng suspek at agad dumiretso sa pulisya. Pagbalik ng suspek ay hindi nito nadatnan ang ina hanggang sa magduda ito at binalak nang tumakas.
Dakong alas-6:30 ng gabi habang nasa aktong tatakas ay inaresto ang suspek ng mga elemento ng DILG Task Force Katapat. Nakumpiska dito ang isang plastic sachet na may lamang shabu.
Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at sinabing galit lamang sa kanya ang ina dahil sa bisyo nito.
Naluha naman sa tuwa ang ina dahil sa pagkakulong ng anak. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am