Courier ng droga nabangga, nakumpiskahan ng 1 kilo na shabu
February 18, 2001 | 12:00am
Napurnada ang delivery ng shabu ng isang hinihinalang courier matapos itong mabangga ng isang van habang sakay ng motorsiklo at aksidenteng makuha sa bag nito ang isang kilo na shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Hindi pa rin nakikilala ang suspek na kritikal sa Parañaque Community Hospital dahil walang makitang identification card dito.
Ayon kay asst. investigator Alfredo Cruz, ng Parañaque city traffic division, dakong alas-10 ng umaga ay minamaneho ng suspek ang kanyang motor na may plakang DM-5103 at patungong Baclaran ng pagsapit sa MIA Road ay mabangga ng isang Anfra AUV na minamaneho ni Apollo Julbisano na papunta namang Zapote.
Agad rumesponde sa insidente ang ilang traffic police at isinugod sa nabanggit na pagamutan ang suspek, pero habang naghahanap ang mga pulis ng IDs at lisensiya ay aksidenteng nakuha sa dala nitong bag ang isang kilo ng shabu, dalawang cellphone at kalibre .45 baril.
Nadiskubre rin na walang lisensiya ang suspek habang nagmamaneho.
Ayon sa pulisya, posibleng courier ang suspek at nakatakdang ideliver ang shabu pero minalas na maaksidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest