^

Metro

Binata nagpabunot ng ngipin, patay

-
Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang Western Police District hinggil sa misteryosong pagkamatay ng isang 22-anyos na estudyante ilang oras lamang matapos magpabunot ng ngipin sa isang pribadong klinika sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni WPD-Homicide C/Insp. Johnny Taluban ang namatay na si Rodrigo Boquirin, binata, ng Lydia st., Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Detective Dave Tuazon, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang isugod ang biktima sa PGH ng kanyang amang si Leonardo Boquirin, 47, dahil sa matinding pananakit ng ngipin at pagdurugo matapos itong mabunutan.

Ayon sa ama, makaraang magpabunot ang anak ay nagkita pa sila sa pinapasukan nitong Cherry supermarket sa #561 Padre Faura st., Ermita bandang alas-7 ng gabi kamakalawa at napansin nito ang manggas ng damit na suot ng anak na may bahid pa ng dugo at tinanong niya kung saan galing at sinagot niya na nagpabunot siya ng kanyang dalawang ngipin sa harapan.

Idinagdag ng ama na wala naman siyang nakitang diperensiya o pananamlay ng kanyang anak nang sila’y magkita at nagulat na lamang siya ng biglang namatay ito kinagabihan.

Nakatakda namang puntahan ng pulisya ang sinasabing klinika para imbitahan ang dentista at makapagbigay ng kanyang panig sa pagkamatay ng binata.

Samantala isinasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagkamatay nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

DETECTIVE DAVE TUAZON

ELLEN FERNANDO

ERMITA

HOMICIDE C

JOHNNY TALUBAN

LEONARDO BOQUIRIN

PADRE FAURA

QUEZON CITY

RODRIGO BOQUIRIN

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with