Killer ng abogada nasakote, nagha-hunger strike sa kulungan
February 16, 2001 | 12:00am
Naaresto ng pulisya ang 36-anyos na family driver na brutal na pumatay sa kanyang among abogada matapos na hindi siya pabalehin ng pang-date sa Valentine pero nasa kritikal na kondisyon matapos na dalawang araw nang hindi kumakain.
Kasalukuyang nakakulong sa San Juan detention cell ang suspek na si Elberto Tubongbanua, tubong Bago City, Negros Occidental. Kusang-loob na sumuko ito sa pulisya ng Calapan, Mindoro Oriental matapos na marinig sa radyo na pinaghahanap siya at sa takot na mapatay ng mga awtoridad na naghahanap sa kanya.
Si Tubongbanua ang sinasabing pumatay sa kanyang among si Atty. Evelyn Kho, 33, sa loob ng study room ng bahay nito sa Club Platinum 2000 Bldg. sa may Greenhills, San Juan, dakong alas-6:30 noong Lunes ng gabi.
Itoy matapos na hindi siya bigyan ng bale ng kanyang amo para sa kanyang date noong nakaraang Araw ng mga Puso. Tinadtad nito ng saksak ang amo bago tumakas sakay ng kulay asul na BMW (WNY-833) na agad namang narekober ng pulisya.
Tinangka niyang bumalik ng kanilang probinsya upang doon magtago at maprotektahan ng mga kamag-anak ngunit nagbago ang isip. Nabatid na tatlot kalahating taon nang nagseserbisyo si Tubongbanua kay Kho at malimit mapagalitan dahil sa pagiging kaskasero.
Sa loob ng piitan, sinabi ni Supt. Gilbert Cruz, hepe ng San Juan police na tinangkang patayin ng suspek ang kanyang sarili nang ilang ulit sa pamamagitan ng pag-umpog ng kanyang ulo sa sementadong pader ng kulungan ng Calapan detention center. Agad itong inilipat sa San Juan detention cell upang sampahan ng kasong murder.
Idinagdag pa ni Cruz na pinangangambahan nilang matuluyan si Tubongbanua na mamatay dahil sa hindi nito pagtikim ng pagkain at tanging tubig lamang ang iniinom bago matulog. Hindi rin umano ito nagsasalita upang malinawan kung bakit niya pinatay ang amo.
Nakatakdang kumuha na rin ng doktor ang pulisya upang mabatid ang antas ng kalusugan ng suspek at kung nasa kritikal na ito ay maaari umanong puwersahan na nila itong pakainin. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended