Nabatid na hinihintay na ng mga preso ang pagdating ng pinaka-kontrobersiyal na inmate ng kulungang ito at nag-uunahan na sa kanilang mga brigada ilagay si Estrada.
Ayon kay Supt. James Labordo, QC jail warden, inaasahan na nila ito kaya naghahanda na ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mangangailangan sila ng karagdagang mga jailguard sa sandaling dumating sa kanilang piitan ang dating pangulo.
Nilinaw naman ni Labordo na kapag makulong dito si Estrada ay hindi ito bibigyan ng VIP treatment tulad ng pagkakaloob ng solong selda dito.
Gayunman, hihilingin niya sa BJMP na ilipat na lamang sa Metro Manila Rehabilitation Center sa Taguig si Estrada dahil sa sobrang siksikan na sa QC Jail kung saan ay mayroon 1,700 inmates habang 880 lamang naman ang kapasidad nito. (Ulat ni Rudy Andal)