^

Metro

Erap hinihintay ng mga preso sa QC Jail

-
Nagpalakpakan at nagsigawan umano ang mga preso sa Quezon City Jail ng mabalitaang dito madedestino ang tinawag nilang idol na si dating Pangulong Joseph Estrada sa sandaling arestuhin ito ng Sandiganbayan dahil sa mga kasong kinakaharap nito.

Nabatid na hinihintay na ng mga preso ang pagdating ng pinaka-kontrobersiyal na inmate ng kulungang ito at nag-uunahan na sa kanilang mga brigada ilagay si Estrada.

Ayon kay Supt. James Labordo, QC jail warden, inaasahan na nila ito kaya naghahanda na ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at mangangailangan sila ng karagdagang mga jailguard sa sandaling dumating sa kanilang piitan ang dating pangulo.

Nilinaw naman ni Labordo na kapag makulong dito si Estrada ay hindi ito bibigyan ng VIP treatment tulad ng pagkakaloob ng solong selda dito.

Gayunman, hihilingin niya sa BJMP na ilipat na lamang sa Metro Manila Rehabilitation Center sa Taguig si Estrada dahil sa sobrang siksikan na sa QC Jail kung saan ay mayroon 1,700 inmates habang 880 lamang naman ang kapasidad nito. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

GAYUNMAN

JAMES LABORDO

LABORDO

METRO MANILA REHABILITATION CENTER

NABATID

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY JAIL

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with