Tangkang suicide sa simbahan, napigilan
February 16, 2001 | 12:00am
Isang lalaking pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa bubungan ng isang simbahan kahapon ng tanghali sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Kinilala ni CPD director Victor Luga ang nagtangkang magpakamatay na si Homar Dolorias, 25-27 anyos, binata, walang trabaho at nakatira sa Arellano st., Caloocan City.
Ayon sa ulat, bandang alas-11 ng umaga nang magsimula umanong pumanhik ang biktima sa bubong ng St. Peters church sa Commonwealth Ave., QC.
Naalarma ang mga residente sa ikinilos ng biktima habang ito ay nakatayo sa bubong ng naturang simbahan habang nakatingin naman ito sa kawalan sa loob ng kalahating oras.
Ipinagbigay-alam ng mga opisyal ng simbahan sa pulisya ang pangyayari hanggang sa magresponde naman ang mga awtoridad saka nila pinilit kumbinsihin ang biktima na bumaba na lamang at huwag ituloy ang pagpapakamatay nito.
Nang makumbinsi naman ng mga awtoridad ang biktima ay dinala nila ito sa National Center for Mental Health. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended