Operator ng jeep na nakasagasa sa anak ni Lydia ipinatawag ng LTFRB
February 16, 2001 | 12:00am
Ipinatawag kahapon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng pampasaherong jeep na nakasagasa at nakapatay sa anak ng sprint queen na si Lydia de Vega sa Quezon City para hingan ito ng paliwanag hinggil sa ginawa ng kanyang driver.
Si Shirley Montiadora, ng #485 Garcia st., Maique, Cainta, Rizal at may-ari ng jeep na may plakang DWL-811 ay kailangang sumagot sa LTFRB sa Pebrero 27 kung bakit nag-shortcut ng biyahe ang driver na si Knorlee Valiente, 24, at dumaan sa Onrobia st., Project 4 sanhi para masagasaan nito ang biktimang si Michael de Vega-Mercado, 4.
Aalamin din ng LTFRB ang kaparusahang maaaring ipataw ng ahensiya sa operator na ang pinakamatinding parusa ay ang posibleng pagkansela ng prangkisa nito.
Nakatakda ring desisyunan ng LTFRB ang danyos na maibibigay ng insurance ng operator sa pamilya ng biktima.
Una nang naisampa ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kay Valiente sa QC prosecutors Office. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended