Agarao kinondena ng mga kasamahan sa CAV
February 15, 2001 | 12:00am
May 20 miyembro ng Crusade Against Violence ang kumalas sa liderato ng tagapangulo nitong si Carina Agarao dahil sa umanoy kinasasangkutan nitong anomalya sa CAV.
Nabatid na may 30 kasapi ang CAV na samahan ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen.
Sinabi ng tagapagsalita ng kumalas na mga miyembro na si Juliet Cruz na kabilang sa naturang anomalya ang pagkawala ng P250,000 cash at ambulansya na donasyon sa CAV ng Department of Social Welfare and Development at ng Philippine Charity Sweepstakes Office na hindi maipaliwanag ni Agarao.
Iniangal din nina Cruz ang hindi umano makataong trato ni Agarao sa kanila at ang patuloy na pananatili nito sa puwesto na umabot na ng tatlong taon bagaman isang taon lang ang termino ng tagapangulo ng CAV. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended