^

Metro

PMA grad na natagpuang patay, buntis?

-
Bubusisiin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang misteryosong pagkamatay ni 2nd Lt. Jessica Chavez, isang PMAer sa loob ng kanyang quarter sa Fort Bonifacio, Makati City na pinaniniwalaang buntis na posibleng dahilan umano kaya gusto na nitong tumiwalag sa serbisyo.

Kasabay nito, inatasan ni NBI director Reynaldo Wycoco si Atty. Edmund Arugay, hepe ng Special Action Unit na bigyan ng pangunahing imbestigasyon ang pagkamatay ng naturang opisyal na kabilang sa PMA Class 2000 na natagpuang patay noong Biyernes ng umaga na may tama ng bala ng kalibre. 45 sa dibdib.

Nauna nang nagpalabas ng ulat ang mga tauhan ng pulisya na suicide ang pagkamatay ng biktima , subalit pinagtutuunan ng pansin naman ng NBI ang anggulong murder.

Inaalam ng mga ahente ng NBI kung kaliwete ang biktima dahil sa ang baril ay nakuhang nakalagay sa kaliwang bahagi. Isinailalim din sa ballistic test ang baril ng ka-roomate ni Jessica.

Binanggit pa umano ni Efren, ama ng nasawi sa NBI na sa huling pag-uusap niya ng kanyang anak ay nabanggit nito na nais na niyang umalis sa serbisyo dahil hindi na siya masaya. Hindi naman nagbigay pa si Jessica ng iba pang paliwanag.(Ulat ni Mario D. Basco)

vuukle comment

BASCO

EDMUND ARUGAY

FORT BONIFACIO

JESSICA

JESSICA CHAVEZ

MAKATI CITY

MARIO D

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO WYCOCO

SPECIAL ACTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with