^

Metro

Short-time bawal sa Maynila

-
Bawal ang short time sa Maynila. Ito ang babalang ipinalabas kahapon ni Konsehal Rogel Gernale sa mga magsing-irog na balak ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa mga motel at inn sa lungsod.

Inatasan na kahapon ng konsehal ng ikalimang distrito ang pamunuan ng Western Police District (WPD) na mahigpit na ipatupad ang city ordinance 7774 o ordinansang nagbabawal sa "shorttime" o itinatago rin bilang short time admission rates ang wash-up rate schemes sa mga motels, hotels, inns, lodging houses, pension houses.

Sinabi pa ng konsehal na hindi naman niya gustong maging killjoy sa mga may-ari ng mga motel o sa kanilang mga parukyanong "nagmamahalan", ngunit kailangan gamitin ang kamay ng batas upang maipatupad ang isinasaad na ordinansa para mapangalagaan ang public morality at decency sa lipunan.

Nilinaw nito na hindi layunin ng ordinansa ang ipagbawal o limitahan ang pagpapahayag ng tao sa kanilang marubdob na damdamin sa kanilang love partners kundi upang burahin ang imahe ng Maynila bilang isang "sin city", dagdag pa ni Gernale.

Papatawan ang sinumang may-ari o operator na lalabag ng multang P5,000 o isang taong pagkakakulong o pareho ayon sa desisyon ng korte.

Kaugnay nito hiniling ni Gernale sa lahat ng motel owners na maging responsable sa pagtanggap ng kanilang mga "bisita" partikular na ang mga menor de edad. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ARAW

BAWAL

GERNALE

INATASAN

KONSEHAL ROGEL GERNALE

MAYNILA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with