^

Metro

Anak ni Lydia de Vega nasagasaan, patay

-
Maagang binawian ng buhay ang apat-na-taong-gulang na anak na lalaki ng dating Asia’s fastest runner track sprinter na si Lydia de Vega-Mercado matapos itong masagasaan ng isang pampasaherong dyip, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dead-on-the-spot matapos mabasagan ng bungo at magkabali-bali ang mga buto ng biktimang si John Michael de Vega-Mercado, residente ng #2 Onrobia st., Project 4, QC.

Sa ulat ng Central Police District-Traffic Sector 3, kumalat ang mga bahagi ng utak at bungo ng biktima dulot ng tindi ng pagkakabangga dito ng dyip na nagpatilapon pa sa bata ng ilang metro.

Nabigo namang makunan ng pahayag si Lydia na kasalukuyan pa ring nasa state of shock makaraang malaman ang insidente.

Napag-alaman na ang dating athlete at asawa nito ay nasa loob ng kanilang bahay at naghahanda na patungo sa trabaho dakong alas-8:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa Onrobia st. kanto ng Cabesas extension, Project 4.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa na laban sa suspek na si Knorlee Valiente, 24, jeepney driver, ng Block 6 Lot 11 Vently Park, Cogeo, Antipolo City sa QC Prosecutor’s Office. Kasalukuyan itong nakakulong sa Camp Karingal sa QC.

Nabatid sa imbestigasyon na minamaneho ni Valiente ang kanyang pampasaherong dyip na may plakang DWL-811 at may rutang Cubao-Cogeo at patungong Cubao ng maganap ang trahedya.

Ayon sa suspek, umiwas siya sa trapik kaya dumaan sa nasabing lugar. Kadaraan pa lamang anya niya sa isang hump nang biglang tumawid ang biktima na noo’y galing sa isang kapitbahay.

Hindi umano namalayan ng driver ang bata at hindi rin namalayan ng biktima ang paparating na sasakyan dahil may nakaparadang kotse sa tabi ng eskinita hanggang sa masalpok ang paslit. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT-TRAFFIC SECTOR

JOHN MICHAEL

KNORLEE VALIENTE

LYDIA

ONROBIA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

VEGA-MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with