Hindi pinabale ng pang-date sa Valentine, abogada inutas ng driver
February 14, 2001 | 12:00am
Matapos hindi pagbigyan sa hiling na pagbale sa kanyang suweldo para sa pang-date ang Araw ng mga Puso, pinagsasaksak hanggang mapatay ng isang driver ang kanyang among abogada sa loob ng bahay nito, kamakalawa ng gabi sa bayan ng San Juan.
Patay na ng idating sa Cardinal Santos Medical Center ang biktimang si Evelyn Kho y Sua, 34, may-asawa, at naninirahan sa Club 1702 Platinum 2000 Bldg. na matatagpuan sa #7 Annapolis St., Greenhills.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Elberto Tubongbanua, 36, stay-in-driver, at tubong Bago City, Negros Occidental, tangay nito ang kulay dark blue na kotseng BMW 3161 (WNY 833) ng kanyang amo sa kanyang pagtakas, pero narekober din kahapon ang naturang kotse sa DBP Ave., Ortigas Center, Pasig City.
Sa imbestigasyon ni PO1 Rommel Lati, bandang alas-6:30 kamakalawa ng gabi, nabatid sa mga katulong na sina Marissa Isodoro at Nelia Maglasan na kauuwi lamang ng biktima galing sa trabaho kasama ang suspek.
Ilang minuto ang nakalipas, nakarinig ng malakas na pagpalahaw ang kanilang amo at nakita na lamang ang duguang suspek na nagmamadaling lumabas ng naturang gusali.
Nang tunguhin ng mga katulong ang biktima, dito nila nadiskubre ang kanilang amo na naliligo sa sariling dugo.
Agad nila itong isinugod sa nabanggit na ospital subali’t hindi na ito umabot ng buhay. Narekober naman ng pulisya ang isang 13-pulgadang duguang kutsilyo na ginamit ni Tubongbanua sa pamamaslang.
Ayon sa mga katulong, huli umano nilang narinig na namurublema sa pera ang suspek dahil sa wala umano itong panggastos sa kanyang lakad sa Valentine’s Day at pinaplanong bumale sa amo. Maaari umanong tinanggihan ito kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended