Life sa bumberong mahilig sa 'quickie' sex

Isang aral sa mga lalaking mahilig sa panandaliang aliw!

Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang 37-anyos na bumbero kahapon sa Manila Regional Trial Court makaraang mapatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa na nag-ugat sa simpleng ‘quickie’ sex.

Si Conde Rapisora ay inutusan din ni Judge Teresa Soriano ng Branch 27 na bayaran ang complainant na si Patricia (di-tunay na pangalan) ng halagang P50,000 indemnity at P50,000 bilang moral damages.

Nabatid sa rekord ng korte na sa pagitan ng 9 at 10 ng gabi noong Hunyo 5, 1995 nang ang biktima ay lapitan ni Rapisora habang ito ay naglalakad sa Martinez st. sa Mandaluyong City.

Pinalilitaw ni Rapisora sa pagkakataong iyon na sila ay magkamag-anak habang iwinawagayway nito ang isang face towel sa harapan ng biktima.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bigla na lamang itinakip ni Rapisora ang tuwalya sa ilong ng biktima, dahilan upang ang huli ay manghina at mahilo.

Sa puntong ito ay pumara ng taxi ang akusado at sabay na isinakay ang biktima sa loob. Habang nakatutok ang patalim ay binulungan pa ni Rapisora ang akusado na huwag magtangkang pumalag upang hindi siya masaktan.

Ang biktima ay dinala ni Rapisora sa isang motel sa Sta. Mesa pero may monthly period ito kaya inobliga nito na magsagawa na lamang ng oral sex kay Rapisora. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments