Si Orlando Lustano, 30, ng 234 P. Sevilla st., 5th Ave., naturang lungsod ay kasalukuyang nakapiit samantalang mabilis namang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang sanggol na si Jonalyn.
Lumalabas sa imbestigasyon ni Insp. Virginia Tijuco, dakong alas-10 ng gabi ay lasing na lasing ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at sa hindi mabatid na dahilan ay bigla na lamang nitong tinadyakan ang bata na tinamaan sa kanang tainga.
Nabatid din sa ina ng biktima na si Alonie, matagal nang binubugbog ng suspek ang kanilang anak mula pa nang ipanganak ito noong Dis. 9, 2000 kung saan sa tuwing malalasing ang huli ay pinanggigigilan ang sanggol na kadalasay nauuwi sa pananakit.
Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon at nangatwirang gumagawa lang ng dahilan ang ina ng biktima upang sila ay magkahiwalay na. (Ulat ni Gemma Amargo)