^

Metro

Grade 6 pupil pumatay ng karibal sa panliligaw

-
Gumuho ang pundasyon ng pagkakaibigan ng dalawang binatilyo dahil lamang sa isang babae.

Sa pangambang sagutin ng kanyang nililigawan ang karibal niya ay napatay ng isang grade six pupil ang besfriend niyang 17-anyos, kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Patay na nang idating sa PGH ang biktimang si Roderick Militante, ng #1662 Kahilum II, Pandacan matapos magtamo ng isang malalim na saksak sa dibdib na tumagos sa puso.

Nahaharap naman sa kasong pagpatay ang tumakas na suspek na kinilala lamang sa pangalang Ryan, 15, grade VI student ng Carlos Salvador Elem. School, ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Detective Anthony Galang, ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-7 ng gabi sa tulay ng Quirino sa Paco boundary ng Pandacan ay naglalakad ang biktima kasama ang isa pang kaibigan ng biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing sinaksak si Militante.

Ayon sa ilang residente, matalik na magkaibigan ang dalawa pero nagsimulang lumabo ang kanilang samahan ng parehong mapusuan ang isang babae at kapwa masigasig na niligawan.

Subalit, natunugan umano ng suspek na tila mas matimbang ang karibal at nabalitaan pa ang madalas na pag-akyat nito ng ligaw sa babae na hindi tinukoy ang pangalan.

Hininala ng pulisya na labis na ikinagalit ng suspek ang ginawang panliligaw ng kaibigan hanggang sa abangan ito at mapatay.

Iniutos na ni WPD director chief Supt. Avelino Razon na tugisin ang suspek na isang menor-de-edad na pinaniniwalaang nabuyo lamang ng mapusok na damdamin kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AVELINO RAZON

AYON

CARLOS SALVADOR ELEM

DETECTIVE ANTHONY GALANG

ELLEN FERNANDO

GUMUHO

HININALA

PANDACAN

RODERICK MILITANTE

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with