1,000 pulis ikakalat sa libing ni Popoy
February 12, 2001 | 12:00am
Magpapakalat ng may 1,000 unipormadong mga pulis upang siguruhing magiging payapa at sagrado ang funeral march at libing ngayon ng napatay na labor leader na si Felimon "Popoy" Lagman.
Ayon kay Metro Manila police Chief Director Edgar Aglipay, ang motorcycle at traffic policemen ang magmamantina at aayos ng daloy ng trapiko mula UP campus sa Quezon City hanggang sa Loyola Memorial Park sa Marikina City kung saan ihahatid ang labi ni Lagman.
Inaasahang sisikip ang trapiko sa kahabaan ng UP roads, Katipunan Ave., sa QC at patungong Loyola cemetery sa Marikina City. Nanawagan si Aglipay sa mga makikiramay sa pamilya Lagman na iwasang lumikha ng anumang pagkilos na makakagulo sa martsa dahil dapat anyang respetuhin si Ka Popoy. (Ulat ni Non Alquitran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended