^

Metro

Filing of certificate of candidacy hanggang ngayong hatinggabi na lang

-
Inaasahang gagamit ngayon ng iba’t ibang gimik ang mga nag-aambisyong maging senador para makahabol sa deadline sa pagsasampa ng certificate of candidacy (COC) sa nalalapit na May 14 congressional at local elections.

Binigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga senatorial candidates at mga kalahok na party list ng hanggang hatinggabi ngayong araw na ito para mag-file ng kanilang COC.

Ilan sa mga inaasahang hahabol sa deadline ay ang 13 senatorial bets sa ilalim ng administration party, People’s Power 2 coalition.

Tatlong LDP candidates, sina dating PNP chief Gen. Panfilo Lacson, dating Press Secretary Ricardo Puno at dating presidential adviser on youth affairs Jamby Madrigal, ang nakapagsumite na ng kanilang COC sa legal department noong nakaraang linggo.

Sa mga nagdaang filing, ang mga senatorial candidates ay gumamit ng mga gimik sa pagsasampa ng kanilang COC para maka-attract ng atensiyon ng mga botante. Ilan sa mga kandidato ay nagpupunta sa Comelec na may kasamang grupo ng mga supporter at may dalang mga lobo, posters at placards habang ang iba ay may sariling banda ng musiko.

Ang iba naman ay tahimik tulad ni re-electionist Sen. Juan Ponce Enrile na nag-file ng COC ng walang ingay na ginawa.

Ayon sa Comelec, inaasahan nilang aabot sa 100 senatorial aspirants ang magpa-file ng COC bagaman ang bilang ay nababawasan sa halos kalahati kapag ang mga nuisance bets o yaong mga sinasabing panggulo ay inalis sa listahan. (Ulat ni Mayen Jaymalin)

AYON

BINIGYAN

COMELEC

ILAN

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

MAYEN JAYMALIN

PANFILO LACSON

PRESS SECRETARY RICARDO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with