^

Metro

Pasahero na tumanggi sa kontrata tinodas ng taxi driver

-
Dahil sa pagtanggi ng isang lalaki sa pangongontrata sa pasahe ng isang taxi driver, pinagsasaksak ang una hanggang sa mapatay ng huli sa harap mismo ng kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Namatay habang isinusugod sa UST Hospital ang biktima na nakilalang si Rodel Bathan, 35, may-asawa ng Block 9 Lot 101S Sugar Town, Batasan, Quezon City.

Naaresto naman ng mga nagrespondeng pulis ng G. Tuazon Police Station habang tumatakas ang suspek na si Orlando Cartago, 24, driver ng Phil. Asia Taxi na may plakang PVX-656 at nakatira sa 109 Area B, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Rodolfo Rival, ng Western Police District-Homicide Division, bandang alas-9 ng gabi ng maganap ang insidente.

Pinara umano ng mag-asawa ang taxi na minamaneho ni Cartago at nagpapahatid ang mga ito sa Fairview.

Nang makaupo ang biktima at asawa na di nakuha ang pangalan sa loob ng taxi ay bigla na lamang umanong nagsimulang mangontrata ng pasahe ang driver.

Hindi pumayag ang biktima at sinabing i-metro na lamang pero tumanggi ang suspek kaya bumaba na lamang sa taxi ang biktima kasama ang misis.

Napikon naman ang driver at bumaba rin ito ng taxi at sinundan ang biktima at agad na inundayan ng sunud-sunod na saksak sa likod. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AREA B

ASIA TAXI

ELLEN FERNANDO

MAYNILA

ORLANDO CARTAGO

PAROLA COMPOUND

QUEZON CITY

RODEL BATHAN

RODOLFO RIVAL

SUGAR TOWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with