Tamad na manugang tinodas ng biyanan
February 11, 2001 | 12:00am
Binaril at napatay ng isang biyenang lalaki ang kanyang Australyanong manugang matapos na mapundi na ang una sa sobrang katamaran ng huli sa Port Area, Maynila kahapon ng tanghali.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Michael Estraque, 40, tubong Los Angeles City at naninirahan sa Blk 7 Bgy. 649 Sona 68 Baseco compound, Port Area.
Agad namang tumakas ang suspek na si Carlos Bautista, 50, sinasabing biyenan ng biktima, dala ang ginamit na shotgun.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril bandang alas-11:50 ng tanghali habang ang biktima ay nanananghalian.
Nauna rito, matagal na umanong nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil sa pagiging batugan ng biktima at ayaw maghanap ng trabaho.
Sinasabing tanging ang anak lamang ng suspek na si Esquelita ang nagtatrabaho at kumakayod habang ang biktima ay nagpapasarap.
Kahapon, habang kumakain ang biktima ay di nito namalayan na pinagmamasdan na pala siya ng biyenan at sa tindi ng galit ng huli ay agad itong kumuha ng shotgun at pinaputukan ang manugang. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest