Election protest ibinasura, Papa mayor pa rin ng Taguig
February 10, 2001 | 12:00am
Nawalan ng saysay ang halos tatlong taong paghahabol ni mayoral candidate Dante Tinga matapos na katigan ng Pasig Regional Trial Court ang opisyal na pagkapanalo ng kasalukuyang alkalde ng bayan na si Ricardo Papa base sa naunang desisyon ng Municipal Board of Canvasser sa nakaraang eleksyon noong 1998.
Sa 19-pahinang desisyon ni Judge Alfredo Flores, ng Pasig RTC Branch 167, nabigong kumbinsihin ni dating Rep. Tinga ang korte sa kanyang alegasyon na nagkaroon ng anomalya sa naturang bilangan ng boto na pumabor sa nakalaban niyang si Papa. Kinumpirma rin ng korte ang ginawang proklamasyon kay Papa ng Municipal Board of Canvassers noong Mayo 20, 1998.
Isinampa ni Tinga ang kanyang protesta sa korte noong Mayo 29, 1998 matapos naman na ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang inihain ring protesta. Base sa unang bilangan na isinagawa, nakatanggap ng 66,290 boto si Papa habang pumapangalawa naman sa limang kandidato si Tinga na nakakuha ng 63,880 boto.
Ngunit batay sa inihaing reklamo ni Tinga, nagkaroon ng malawakang pandaraya sa may 1,115 presinto sa may 18 barangay ng munisipalidad. Bumuo naman ang korte ng isang revision committee upang muling bilangin ang mga boto.
Sa isinagawang re-count, bahagyang bumaba ang boto na nakuha ni Papa na pumatak sa 66,256 ngunit sapat na lumamang sa nakuhang 64,168 ni Tinga.
Inihayag sa naging desisyon ni Flores na hindi napatunayan ni Tinga sa kanyang reklamo na ang mga tinutukoy niyang flying voters ay nakaboto noong halalan na iyon.
Binigyang-katwiran ni Flores na ang mga boto na nasa loob ng ballot boxes ay hindi maaaring madagdagan o kaya ay mabawasan kahit na may manipulasyon na naganap pagkatapos ng eleksyon.
Dahil sa kaganapang ito, inaasahang magiging mainit na naman ang paghaharap ng dalawang kandidato sa darating na eleksyon sa Mayo matapos na magpahayag si Tinga ng kanyang muling pagtakbo upang patunayan ang kanyang alegasyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended