'Kaibigan' ni Ping timbog sa shabu at baril
February 10, 2001 | 12:00am
Isang pinaniniwalaang big-time drug pusher na umano’y kaibigan ni dating PNP chief Panfilo Lacson ang naaresto ng mga tauhan ng Metro Manila Narcotics Group sa tahanan nito makaraang makumpiskahan ng droga at baril, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Si Ronaldo Vicente alyas Onil, 31, negosyante at nakatira sa Toro st., Pamplona Park Subd., Pamplona, Las Piñas City ay dinampot bandang alas-10 kamakalawa ng gabi sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Monina Senarosa ng QC-Regional Trial Court Branch 76 makaraang makumpiskahan ito ng 10 gramo ng shabu at isang super .38 pistol na umano’y ibinigay kay Vicente ni dating PNP chief Lacson.
Ayon sa suspek, may papeles ang kanyang baril na umano’y ibinigay sa kanya ni Lacson pero nabigo naman itong ipakita ang kanyang mga dokumento.
Kasong paglabag sa Section 16 ng Article 3 ng RA 6425 o illegal possession of shabu at illegal possession of firearms ang isasampa sa suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended