^

Metro

Jovit Moya inalis na sa NAIA

-
Inalis sa Ninoy Aquino International Airport ang kontrobersyal na security aide ni Manila International Airport Authority General Manager Edgardo Manda na si P/Insp. Jovit Moya at napaulat na inilipat sa Presidential Security Group (PSG) matapos itong masangkot sa mga pananakot at pang-aabuso sa tungkulin.

Ayon sa source, si Moya ay pansamantalang inalis sa NAIA noon pang Pebrero 7 bilang security aide umano ni Manda dahil sa masamang report na natatanggap ng huli hinggil sa mga pinaggagawa nitong kalokohan.

Naging kontrobersyal cop si Moya nang pagtatakutin nito ang mga security guards na sumita sa kanya habang sakay siya ng kanyang sasakyan sa may MIAA Administration building.

Binulabog din umano nito ang MIAA pass control office nang hindi siya kaagad napagbigyan sa kanyang kahilingan na gawin agad ang kanyang annual access pass sa NAIA.

Bukod dito, sinagasaan naman ng grupo ni Moya habang sakay sila ng sasakyan ni Manda ang chain barricade sa may 505th sentry ng Philippine Air Force ilang metro lamang ang layo papasok sa runway ng NAIA.

Ayon sa source, halos magpalakpakan umano ang mga empleyado sa airport nang mabalitaan na wala na sa premier airport ang nasabing kontrobersyal na pulis.

Si Moya ay dating mainstay ng popular na television show "That’s Entertainment" pero hindi sumikat. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BINULABOG

BUTCH QUEJADA

JOVIT MOYA

MANDA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY GENERAL MANAGER EDGARDO MANDA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE AIR FORCE

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SI MOYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with