Ginawa nina Senators Robert Jaworski at Tessie Aquino-Oreta ang hamon makaraang italaga ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina si Singson bilang consultant against illegal gambling ng nasabing ahensya.
Magugunitang si Singson ang nagbunyag na si dating Pangulong Joseph Estrada ang big-time jueteng lord, na nagbunsod para isalang siya sa impeachment trial ng Senado.
Ayon kay Jaworski, chairman ng Senate committee on games and amusement na kauupo pa lamang ni Pangulong Arroyo sa puwesto ay marami na siyang naririnig na patuloy pa rin ang illegal na operasyon ng jueteng sa ibat ibang panig ng bansa.
Naniniwala naman si Oreta na kayang sugpuin ni Singson ang jueteng dahil siya mismo ang nagsabing naging collector siya ni Estrada.
Bilang reaksyon naman sa pahayag ni acting PNP Chief Deputy Director Leandro Mendoza na mahirap sugpuin ang jueteng dahilan nasa kultura na ito ng mamamayang Pilipino, sinabi ng gobernador na nasa diskarte lamang ito ng mga opisyal ng gobyerno kung magiging determinado ang mga ito na walisin ang mga illegal na pasugalan.
Sa kabila nito, pabor si Singson na gawing legal ang operasyon ng jueteng pero ito aniya ay dapat na gobyerno ang humawak at hindi ang kung sinu-sino lamang mga gambling lords na hindi nagbabayad ng buwis. (Ulat nina Doris Franche/Joy Cantos)