^

Metro

Singson hinamon ng pro-Erap senators na sugpuin ang jueteng

-
Upang mapatunayang ayaw ng gobyernong Arroyo sa iba’t ibang uri ng sugal ay hinamon kahapon ng dalawang pro-Erap senators si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na sugpuin ang illegal jueteng operations.

Ginawa nina Senators Robert Jaworski at Tessie Aquino-Oreta ang hamon makaraang italaga ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina si Singson bilang consultant against illegal gambling ng nasabing ahensya.

Magugunitang si Singson ang nagbunyag na si dating Pangulong Joseph Estrada ang big-time jueteng lord, na nagbunsod para isalang siya sa impeachment trial ng Senado.

Ayon kay Jaworski, chairman ng Senate committee on games and amusement na kauupo pa lamang ni Pangulong Arroyo sa puwesto ay marami na siyang naririnig na patuloy pa rin ang illegal na operasyon ng jueteng sa iba’t ibang panig ng bansa.

Naniniwala naman si Oreta na kayang sugpuin ni Singson ang jueteng dahil siya mismo ang nagsabing naging collector siya ni Estrada.

Bilang reaksyon naman sa pahayag ni acting PNP Chief Deputy Director Leandro Mendoza na mahirap sugpuin ang jueteng dahilan nasa kultura na ito ng mamamayang Pilipino, sinabi ng gobernador na nasa diskarte lamang ito ng mga opisyal ng gobyerno kung magiging determinado ang mga ito na walisin ang mga illegal na pasugalan.

Sa kabila nito, pabor si Singson na gawing legal ang operasyon ng jueteng pero ito aniya ay dapat na gobyerno ang humawak at hindi ang kung sinu-sino lamang mga gambling lords na hindi nagbabayad ng buwis. (Ulat nina Doris Franche/Joy Cantos)

CHIEF DEPUTY DIRECTOR LEANDRO MENDOZA

DORIS FRANCHE

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENATORS ROBERT JAWORSKI

SINGSON

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with