Kinilala ni Chief Supt. Marcelo Ele Jr., director ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) na si Edwin Sobusa Jamora, 42, ng #142 Meralco Road, Lower Bicutan, Taguig, Metro Manila.
Ayon sa imbestigasyon, si Jamora na isang overseas Filipino worker at may hawak na Philippine passport #BB331926 ay nakatakdang sumakay sa Lufthansa Airlines flight LH-745 patungong Libya via Frankfurt nang maaresto.
Kasalukuyang idinadaan ang bagahe ng suspek sa x-ray machine sa West Final Security Checkpoint sa departure area ng Terminal I nang mapuna nina Dennis Caluya, isang duty NUP x-ray operator at Maribel Timba, isang baggage inspector ang isang itim na imahe na hugis baril sa x-ray monitor.
Agad pinabuksan nina Caluya at Timbal ang bagahe sa suspek at nang ito ay mabuksan, tumambad sa kanila ang isang paltik na kalibre .38 na may serial no. 936182 at may tatak na Smith & Wesson at tatlong bala.
Walang maipakitang kaukulang dokumento ang suspek pero inamin ni Jamora na ang baril ay ireregalo umano nito kay Khaddafy pagdating niya sa Libya.
Si Jamora, na ngayon ay nakakulong sa PNP-ASG detention cell ay nakatakdang ipagharap ng kasong illegal possession of firearm and ammunition sa Pasay City Prosecutors Office. (Ulat ni Butch Quejada)