^

Metro

Kaso ni Erap pinagtalunan; 2 katao todas

-
Dahil kay dating Pangulong Erap, isang mag-amo ang nagbuwis ng buhay habang isa pa ang kritikal matapos magsaksakan ang mga ito makaraang pagtalunan kung mapaparusahan ang dating presidente sa mga kasalanang kinakaharap, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Manuel Racelis, 48, biyudo, contractor, ng #41 Interior Ilaya st., Bgy. Alabang nabanggit na lunsod at helper na si Mario Ibanez, 37, ng nasabing tirahan.

Samantala ang nakababatang kapatid ni Ibanez na si Bobby, 35, ay ginagamot sa Alabang Medical Center.

Sa imbestigasyon nina SPO4 Armado Alambro at PO2 Arnel Pesigan ng Criminal Investigation Division, nag-iinuman ang mag-among Racelis at Mario at masayang nagkukuwentuhan ng mapunta ang usapan tungkol sa kung mapaparusahan si Estrada sa mga kasong kinakaharap nito.

Ayon kay Racelis, naniniwala umano ito na sasabit si Erap sa mga kaso nito at makukulong na kinontra naman ng kanyang helper hanggang sa makapagbitaw ng mga masasakit na salita si Racelis kay Mario.

Nag-init umano si Racelis at nakahagilap ng isang patalim at pinagsasaksak si Mario na dead-on-the-spot.

Nang mabalitaan ni Bobby na pinatay ang kanyang kapatid ay sumugod ito sa bahay ni Racelis at pinagsasaksak ang amo ng kapatid, pero nagawa ring makaganti ng saksak ni Racelis at nasaksak nito si Bobby. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALABANG MEDICAL CENTER

ARMADO ALAMBRO

ARNEL PESIGAN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

INTERIOR ILAYA

LORDETH BONILLA

MANUEL RACELIS

MARIO

MARIO IBANEZ

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with