PNP station commander ginulpi ng 7 sibilyan
February 5, 2001 | 12:00am
Isang station commander ng Parañaque City police community precint ang kinuyog at pinagtulungang gulpihin ng pitong kalalakihan matapos nitong sitahin ang isa sa mga suspek dahil sa paglabag sa gun ban habang ang una ay nagdya-jogging, kahapon ng umaga sa Sucat Road, nabanggit na lungsod.
Pasa-pasa at sugatan ang biktimang si Sr. Inspector Wilfredo Calderon, hepe ng Police Community Precint 4, Parañaque police station.
Samantala dalawa sa pitong suspek na nadakip ay nakilala lamang sa pangalang Rodolfo Almano, 29, bus driver, ng Carmona, Cavite at Jose Obia, 32, mekaniko, ng Parañaque City. Ang dalawa ay kapwa sinampahan ng kasong direct assault at frustrated murder.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Wilfredo Cornelio ng Presinto 4, dakong alas-5 ng umaga habang nagdya-jogging ang biktima sa harapan ng AFDAC Transport sa kahabaan ng Dr. Santos Ave. ng sitahin nito ang isa sa mga suspek na nakilala lamang sa alyas Rio ng mamataan ng pulis na may dalang baril ang suspek.
Habang pinagsasabihan ng opisyal ang suspek na lumabag ito sa Omnibus Election Code ay biglang naglitawan ang anim pang lalaki at agad na pinagtulungang gulpihin ang biktima.
Kahit nag-iisa ay lumaban ang pulis hanggang sa makawala sa mga suspek at makahingi ng tulong sa mga tauhan nito.
Mabilis siyang nirespondehan pero dalawa lamang ang nahuli habang nakatakas ang iba pa kabilang ang sinitang si Rio. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended