^

Metro

7 snatchers nagpaagaw ng P500 bills upang makatakas

-
Para lamang makaiwas sa humahabol na taumbayan, pitong umano’y mga batikang snatchers ang nagpaagaw ng pera na tig-P500 bills mula sa pera na inagaw sa isang 58-anyos na ginang sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Subalit hindi naging daan iyon upang makatakas dahil minalas na maaresto ng pulisya ang pitong suspek na nakilalang sina Rolando Torino at Wilfredo Reynoso, kapwa 17-anyos at miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang; Lawrence Garcia; Billy Esmael; ang mag-live-in partner na sina Armando Portajeda at Pia Salvador, 16, at Amy Villanueva,18, na pawang mga naninirahan sa kanilang hideout sa 1946 Interior 7 Gonzales st., Pandacan.

Base sa ibinigay na salaysay ng biktimang si Remedios Canlas, ng 1073 Corregidor st., Tondo, Manila, kasalukuyan siyang nakasakay sa harapan ng kanyang sasakyan na minamaneho ng kanyang driver at tinatahak ang Quirino Ave. at Jesus st. nang biglang mahinto sa isang stop light ang kanilang sasakyan sa nabanggit na lugar dakong alas-2:40 ng madaling-araw kahapon.

Ayon sa biktima, nagulat pa siya nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspek at bigla siyang inabot at agad na sinakal sabay hinablot ang kanyang bag na nasa ibabaw ng kanyang hita na may lamang halagang P150,000.

Nabatid na humingi ng tulong ang biktima sa driver at tinawag naman nito ang atensyon ng taumbayan at kanilang hinarang at nagkaroon ng komosyon at nang masukol ay nagpaagaw ng perang tig-P500 ang mga snatcher na naging dahilan upang magkagulo sa pagdampot ng pera ang mga humahabol sa mga suspek.

Bagamat hindi naabutan ang mga suspek ay hindi rin nakaligtas dahil naaresto rin ang mga ito pagkaraan lamang ng ilang oras matapos na may magturo kung nasaan ang kanilang hideout.

Hindi na nagawa pang makapalag ng mga suspek nang sorpresahin nina PO1s Rizaldy Bulacan at Ferdinand Baltazar na pawang nahuli pa sa akto habang humihithit ng droga.

Tanging ang halagang P23,500 cash na lang umano ang narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek.(Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

AMY VILLANUEVA

ARMANDO PORTAJEDA

BILLY ESMAEL

FERDINAND BALTAZAR

GRACE AMARGO

LAWRENCE GARCIA

PANDACAN

PIA SALVADOR

QUIRINO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with