Bahay, opisina ng NPC director hinagisan ng 2 granada
February 3, 2001 | 12:00am
Hinagisan ng dalawang granada ng di kilalang kalalakihan ang bahay at opisina ng beteranong broadcaster at kasalukuyang director ng National Press Club (NPC), kahapon ng madaling araw sa San Andres Bukid, Maynila.
Bagaman wala si Willie Espiritu ng maganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling araw, nawasak ang mga ari-arian at nakaparadang Mercedez Benz nito matapos na magkasunod na hagisan ng dalawang MK2 handgrenade ang bahay niya sa #2557 Opalo st., kanto ng Zobel Roxas st., San Andres Bukid kung saan dito rin ang kanyang promotions agency na Yume Talent Specialist and Management Services.
Ayon sa kapatid ni Willie na si Vicky, posibleng may kaugnayan ang pagpapasabog sa huling ibinulgar at binatikos ng kanyang kapatid hinggil sa baggage scam sa Japan. Nabatid na ang umuuwing mga Pinay galing ng Japan ay nagbabayad ng excess baggage sa isang sindikato na pinamumunuan ng isang Japanese Travel Agency imbes na sa JAL departure counter. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest