^

Metro

'Pulis mo, i-text mo'

-
Isa na namang bagong gimik ang inilunsad ng San Juan Police upang mas mabisa umano nilang matugunan ang mga krimen sa pamamagitan ng paggamit ng text message sa cellphone.

Personal na pinangunahan kahapon nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Edgar Aglipay at San Juan Police Chief Supt. Gilbert Cruz ang paglulunsad ng bago nilang programang "Pulis Mo, I-Text Mo".

Sinabi ni Cruz na bumili na sila ng dalawang unit ng cellphone na ilalagay nila sa Tactical Operation Center (TOC) na siyang makakatanggap ng mga text messages mula sa mga residente.

Ang numero ay 0919-4536973 at 0917-3500922. Dalawampu’t apat na oras na nakabukas ang naturang mga linya upang tumanggap ng mga paghingi ng responde ng mga residente sa mga nagaganap na krimen.

Sinabi rin ni Cruz na naisip nila ang gimik na ito dahil sa pagiging kalat na ng cellphone sa mga tao sa Metro Manila.

Mas madali umanong makapag-uulat ng mga kasalukuyang nagaganap na krimen na masasaksihan ang mga tao dahil sa anim sa 10 katao ang may cellphone.

Sa mga natatanggap na mga mensahe, beberepikahin muna umano ng mga pulis ito bago sila rumesponde dahil sa pangambang panloloko lamang ito.

Binalaan naman ni Cruz ang sinumang magtatangkang lokohin ang pulisya na pilit nilang iti-trace ang kanilang cellphone numbers upang makilala ang may-ari at maaresto. (Ulat ni Danilo Garcia)

CRUZ

DANILO GARCIA

DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

GILBERT CRUZ

I-TEXT MO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PULIS MO

SAN JUAN POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with