^

Metro

Simbahan sa San Juan binulabog ng bomb scare

-
Binulabog ng isang pekeng bomba ang buong San Juan police matapos na iulat ang pagkatagpo ng isang kahon sa loob ng palikuran ng simbahan na madalas pagsimbahan ng pamilya ni dating Pangulong Estrada sa kalagitnaan ng misa nito, kamakalawa ng umaga.

Iniulat ni Susan David, 39, bookkeeper ng simbahan, ang pagkatagpo ng kahina-hinalang kahon sa loob ng toilet bowl ng ladies CR ng Pinaglabanan Church. Agad namang ipinadala ng San Juan police ang kanilang bomb disposal unit sa naturang simbahan.

Upang hindi magkagulo ang mga taong nagsisimba ng oras na iyon, pasikretong pumasok sa naturang palikuran si PO3 Hernan Cruz at gamit ang isang hook at manipis na tali, nagawa nitong dalhin sa labas ng compound ng simbahan ang naturang kahon.

Nang buksan upang i-detonate ito, nadiskubre na puno lamang ito ng mga bato at sinulid na nakabalot sa isang masking tape na nilagyan ng isang switch sa ibabaw.

Nabatid naman kay Supt. Gilbert Cruz, hepe ng San Juan police na dito madalas magsimba ang pamilyang Estrada bukod sa Mary The Queen Church at Immaculate Conception Church sa Greenhills.

Ngunit agad din niyang pinabulaanan na parte ito ng pananakot sa buhay ng pamilya Estrada. Maaaring kagagawan lamang umano ito ng ilang drug addict na intensyong manakot.

Una nang inamin ni San Juan Mayor Jinggoy Estrada na nakakatanggap siya ng napakaraming text messages na nagbabanta sa kanilang buhay.

Agad namang ipinag-utos ni Cruz ang mahigpit na pagbabantay sa San Juan Municipal Hall at sa lugar ng North Greenhills Subdivision kung saan nakatira ang pamilyang Estrada. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

GILBERT CRUZ

HERNAN CRUZ

IMMACULATE CONCEPTION CHURCH

MARY THE QUEEN CHURCH

NORTH GREENHILLS SUBDIVISION

PANGULONG ESTRADA

PINAGLABANAN CHURCH

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with