^

Metro

Estrada family nagpalit ng cell numbers

-
Upang hindi na umano makatanggap ng sari-saring death threats at pagmumura sa mga hindi kilalang tao, ilan sa miyembro ng pamilyang Estrada ang sinasabing nagpalit na ng numero ng kanilang mga cellphone.

Nabatid ito sa isang impormante sa San Juan Municipal Hall matapos na tangkaing kontakin ng mga mamamahayag si Mayor Jinggoy Estrada sa dati niyang numero ng cellphone ngunit hindi makakonekta.

Ayon sa impormante, bukod kay Jinggoy, nagpalit na rin ng numero si dating Pangulong Joseph Estrada at Dra. Loi Ejercito.

Idinagdg pa na nararapat lang na magpalit na ang mga ito ng numero hindi upang umiwas sa mga mamamahayag kundi para tuluyan nang mapayapa ang kanilang kalooban.

Hindi umano nakakatulong ang naturang mga "hate messages" sa pamilya upang makaahon sila sa trahedyang dumating ng mapatalsik ang nakakatandang Estrada sa pagiging Presidente ng bansa.

"Alam mo iyong mga text messages na iyan, iyong minumura o di kaya nagbabanta ay hindi nakakatulong dahil imbes na matulungan sila dahil sa nangyari sa kanila ay lalo pa silang dinidikdik," ayon sa impormante.

Mas nais na lamang umano ng pamilyang Estrada na kahit konti ay magkaroon ng katahimikan ang kanilang buhay at hindi na madagdagan pa ang kanilang pasakit. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALAM

AYON

DANILO GARCIA

DRA

LOI EJERCITO

MAYOR JINGGOY ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN MUNICIPAL HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with