^

Metro

Jailbreak sa Binondo: 8 preso pumuga

-
Walong preso na nahaharap sa mga kasong theft/robbery at frustrated homicide ang nakatakas mula sa kanilang selda sa Chinatown police station, noong Biyernes ng madaling araw.

Dahil sa insidente, sinibak sa puwesto ni Western Police District Director C/Supt. Avelino Razon Jr. ang apat na opisyal, kabilang ang station commander, habang kasong administratibo ang inihahandang isampa laban sa kanila.

Inalis at inilipat sa Civil Disturbance Management Group sina Supt. Juanito de Guzman, hepe ng WPD station 11; Insp. Alfredo Opriasa, night shift platoon commander; SPO4 Danilo Hermosura, night shift duty investigator, at SPO4 Renato Romero, duty desk officer.

Itinalaga ni Razon bilang acting station commander ang deputy ni de Guzman na si C/Insp. Edgardo Wycoco.

Ang mga tumakas ay kinilalang sina Francisco Laurente, may kasong frustrated homicide; Dan Logo, theft; at Virgilio Ibarle, Marvin Bondoc, Bartolome Rosaroso, Jomel Rosaroso, Raul Samaro at Tomly Mejia, pawang may kasong robbery.

Nabatid sa imbestigasyon na sinira ng mga preso ang dalawang rehas na bakal malapit sa banyo sa ibaba ng selda at dumaan sa katabing bakanteng selda na hindi nakakandado. Umakyat sa bubungan ang mga preso at tinuklap ang isang bahagi ng yero sa bubong kung saan sila dumaan at tuluyang tumakas.

Ang jailbreak ay iniulat na naganap sa pagitan ng 11:20 ng gabi noong Huwebes at nadiskubre dakong 3:15 ng madaling-araw ng Biyernes.

Samantala, kahapon ay pinahayag ni Wycoco ang pagkakaaresto sa dalawang takas na sina Dennis Corpin at Nazareno Casinas. Gayunman, ang kanilang mga pangalan ay hindi kasama sa listahan ng mga tumakas na isinumite kay Razon.

Sinabi ni Wycoco na sina Corpin at Casinas ay inaresto matapos kumpirmahin ng mga impormante na kabilang ang mga ito sa tumakas na mga bilanggo.

Ang nasabing jailbreak ay maituturing na dobleng kamalasang sinapit ng Chinatown police commander na si Supt. de Guzman. Kung magugunita, si de Guzman ay ginulpi at inagawan ng baril ng magpinsang Fil-Chinese sa Ermita, Maynila. Nagsampa na ng mga kasong robbery, direct assault, usurpation of authority at violation ng Omnibus Election Code laban sa mga suspek na sina Jonathan at James Ongsiaco. (Ulat ni Nestor Etolle)

vuukle comment

ALFREDO OPRIASA

AVELINO RAZON JR.

BARTOLOME ROSAROSO

BIYERNES

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT GROUP

DAN LOGO

DANILO HERMOSURA

DENNIS CORPIN

GUZMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with